Tiniyak ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Korean community sa bansa ang mas pinaigting na aksyon kontra krimen.

Ito ay kasunod ng pamamaslang sa isang Korean national sa Angeles City.

Sa dayalogo kasama ang Korean consulate at United Korean Community Association, inilahad ng PAOCC ang plano tulad ng pagbuhay sa tourist security desks at mas matinding presensya ng pulisya sa mga lugar gaya ng Angeles City, Manila, at Cebu.

Hiniling ng Korean Embassy ang mas malalim na kooperasyon sa imbestigasyon at intelligence sharing.

Gayunpaman, may persons of interest na sa krimen, ayon sa pulisya.

-- ADVERTISEMENT --