Inakusahan ang isang pari sa Florida, USA ng pagkagat sa isang babae habang nagbibigay siya ng Communion sa misa sa St. Cloud sa umano’y pagdepensa niya sa Communion bread.

Ang pari na kinilalang si Father Fidel Rodriguez, ay tumangging bigyan ang babae ng Communion bread noong May 19 at sinabihan niya ito na hindi sumunod sa proseso na kailangan para makatanggap ng tinapay nang makasalubong niya ang babae sa naunang misa sa St. Thomas Aquinas Catholic Church.

Sa statement na inilabas ng Diocese of Orlando, binasbasan ni Rodriguez ang babae sa misa sa umaga at sinabihan niya ito na mangumpisal muna bago siya makatanggap ng Holy Communion.

Sinabi ng babae sa pulisya na bumalik siya misa sa hapon at sinabi sa pari na ginawa niya ang ipinagawa sa kanya kaya tinanggap na siya ng Panginoon at dapat na mabigyan siya ng Communion bread.

Tinanong ng pari ang babae kung nangumpisal na siya, at ang sagot nito ay wala siyang pakialam, batay sa pahayag ng Diocese.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa affidabit ng babae, sinabi niya na tila masama ang loob ng pari at sinubukan na isaksak ang tinapay sa kanyang bunganga.

Dahil dito, tinangka niyang kunin ang isa pang Communion bread na hawak ng pari nang hilain ng pari ang kanyang kamay at kinagat.

Batay naman sa depensa ng Diocese, dahil may hawak ang isang kamay ni Rodriguez, sinubukan niyang awatin ang babae dahil ayaw niyang bitawan ang hosts.

Nang itulak umano ng babae ang pari dahil sa akala niyang agresibo ang aksion ng pari, kinagat ng pari ang kamay ng babae upang bitawan niya ang hosts.

Isinasailalim na sa pag-aaral ng Ninth Judicial Circuit State Attorney’s Office ang kaso upang matukoy ang nararapat at makatuwiran na aksion sa insidente.