Opisyal nang nagtapos ang Olympics sa Paris, France matapos ang closing ceremony kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas.

Susunod na magiging host ng Olympics ang Los Angeles sa 2028.

Sa isang display ng Hollywood showmanship, bumaba si Tom Cruise mula sa taas ng French stadium sa theme song ng pelikulang “Mission Impossible” bago kinuha ang Olympic flag mula kay star gymnast Simone Biles, inilagay niya sa likod ng motorsiklo at umalis sa stadium.

Kabilang din sa mga nagtanghal sa closing ceremony sina Singer Billie Eilish, Red Hot Chili Peppers, rapper and Paris Olympics mainstay Snoop Dogg — dagdag pa si longtime collaborator Dr. Dre na nagtanghal sa Venice Beach bilang bahagi ng handover mula sa City of Light sa City of Angels.

Nag-enjoy naman ang mga atleta sa panonood sa French pop-rock band Phoenix.

-- ADVERTISEMENT --

Ang focus naman ngayon ay sa Los Angeles na magiging ng 2028 games.

Sunod naman ang Brisbane, Australia sa 2032 habang wala pang desisyon kung sino ang magiging host sa 2036, kung saan ang mga contenders ay ang Ahmedabad in India, Berlin at maging Santiago sa Chile.