Nangunguna pa rin ang China na may 13 golds, 9 silvers at 9 bronze, pangalawa ang France na may 11 golds, 12 silvers at 13 bronze, pangatlo ang Australia na may 11 golds, 6 silvers at 5 bronze, pang-apat ang US na may 9 golds, 16 silvers at 18 bronze, at panglima ang Great Britain na may 9 gold, 10 silvers at 8 broze medals.
Nasa pang-anim ma pwesto naman ang Japan na may 8 golds, 4 silvers at 8 bronze medals, 7th place ang South Korea na may 7 golds, 5 silvers at 4 bronze, pangwalo ang Italy na may 5 golds, 8 silvers at 4 bronze medals, pangsiyam ang Netherlands na may 4 golds, 3 silvers at 2 bronze, at pangsampu ang Canada na may 3 golds, 2 silver at 6 bronze medals.
Ang iba pang mga bansa na nakasungkit na ng gold medals ay ang Germany, New Zealand, Romania, Hungary, Hongkong, Ireland, Croatia, at Azerbaijan na may tig-dalawang gold medals.
May tig-isang gold naman ang mga bansang Sweden, Georgia, Switzerland, Spain, South Africa, Belgium, Kazakhstan, Uzbekistan, Czech Republic, Guatemala, Argentina, Ecuador, Serbia, Slovenia at Uganda.