TUGUEGARAO CITY- Naaresto ang isang parking attendant na may kasong rape sa Lasam, Cagayan sa Paranaque City.

Sinabi ni PMSgt. Ronnie Vidad ng PNP Lasam na agad silang nagtungo sa Paranaque City nang magbigay sa kanila ng impormasyon na nakita sa BH Homes si Salvador Medina ng Brngy. Battalan.

Ayon kay Vidad na sa kanilang pagtatanong kay Medina, hindi umano siya nagtago sa halip ay pumunta siya sa kanyang anak na nagtatrabaho sa Paranaque.

Sinabi ni Vidad na aalamin pa nila ang detalye ng kaso ni Medina kung sino ang kanyang naging biktima at kung kailan ito nangyari.

-- ADVERTISEMENT --