Tuguegarao City- Patuloy na pinalalawig ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga private sectors upang tulungang kumita ang mga magsasaka at negosyante sa rehiyon sa gitna ng pandemya.

Sa panayam kay Michael Pagabbao ng DTI Region 2, ito ay hakbang ng pamahalaan na maiwasan ang pagkasira ng mga produkto sa gitna ng mahigpit na implimentasyon ng mga quarantine protocol.

Paliwanag ni Pagabbao, ang partnership sa pagitan ng mga private sectors ang magiging daan sa mabilis na access ng mga local farmers sa mga negosyante sa bansa.

Kabilang aniya sa kanilang nakaugnayan na ay ang “mayani incorporated” kung saan ay una ng natulungan ang ilang magsasaka sa rehiyon mula ng may mapaulat na mga nasasayang na kamatis.

Ang nasabing sector ay iniuugnay at iniaalok umano ang mga produkto sa kanilang mga costumers mula sa iba’t-ibang probinsyang sakop nito.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa nito na ang programa ay kaugnay lamang sa “walang sayang project” ng DTI na naglalayong paangatin ang kita at maiwasan ang pagkalugi ng mga MSMEs at local farmers.

Tiwala naman ang ahensya na sa pamamagitan ng pagsulong sa mga programang ito ay mapapakinabangan ng mga maliliit na negosyante ng bansa upang kumita lalo na ngayong krisis na dulot ng COVID-19.