Pinangalanan ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia na nakalistang may-ari ng offshore bank account sa Cayman Islands, kung saan nagpakita siya ng mga kopya ng bank transfers upang patunayan ang kanyang pahayag.

Sa isang press breifing, sinabi ni Marcoleta na kumuha sila ng volunteers sa New York, USA na gumawa ng bank transfers na nagkakahalaga ng $100 sa dalawang offshore bank accounts.

Sinabi niya na ang mga resibo mula sa Chase for Business ay nagpapakita na ang affshore bank accounts ay nasa pangalan na “George Erwin Mojica Garcia.”

Ang nasabing resibo ay mula sa platform ng US-based institution, isang respetadong bangko na JP Morgan Chase & Company.

Sinabi ni Marcoleta na ito ay isang consumer at banking subsidiary ng kilalang banking institution na nakabase sa America.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi niya na ang transaction rescords mula sa Chase and Business ay maaaring ikonsidera na tunay at hindi binago.

Sinabi ito ni Marcoleta halos isang buwan matapos na isiwalat niya na nasa P1 billion na halaga ng pondo ang inilipat mula sa iba’t ibang bangko, kabilang ang mga nakabase sa South Korea, sa 49 offshore bank accounts na umano’y may kaugnayan sa isang opisyal ng Comelec.