Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaninang umaga na hindi siya tatakbo sa anomang posisyon sa 2028 elections.
Sinabi ni Sotto na ngayon pa lang ay sinasabi niya na hindi siya sa tatakbo sa susunod na eleksyon, kaya malaya siya na gawin ang sa tingin niya ay tama.
Ayon sa kanya, ang maaga niyang pahayag ay para malaya siya mula sa political pressure at mabigyan siya ng panahon para matutukan ang kanyang mandato sa kanyang huling termino.
Iginiit ni Sotto ang kanyang commitment na ipagpatuloy ang mga sinimulan niyang mga palisiya at mga reporma na alam niyang pakikinabangan ng Pasay City, anoman ang political consequences ng mga ito.
Kasabay nito, nanawagan siya ng pagkakaisa para sa pag-unlad at ikagaganda pa ng Pasig City.
Gayonman, nilinaw niya na ang panagawan niya para sa pagkakaisa ay makakaligtas na rin sa pananagutan ang mga krimen na nagawa.
Unang nanalo si Sotto bilang mayor ng Pasig City noong 2019.