Kanselado ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng antas sa bayan ng Baggao bukas, October 11.

Batay sa Executive Order No. 86 na nilagdaan ni Mayor Joan Dunuan na layon nitong bigyang daan ang ilulunsad na “Baggao, Cagayan Billion Tree Planting and Growing Project”.

Ang naturang programa ay may layuning makapagtanim ng isang bilyong punong-kahoy sa loob ng tatlong taon para maibalik ang berdeng kabundukan sa Baggao.

Makakatuwang ng LGU-Baggao sa pagtatanim na sisimulan ngayong araw ang mga civil society organizations bilang pakikiisa sa National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ilulunsad ang naturang proyekto sa pamamagitan ng Fun Run at Zumba bago ang tree planting activity sa Baggao Ecological and Economic Zone sa Barangay San Francisco.

-- ADVERTISEMENT --