Nagkansela ng pasok sa eskwelahan sa lahat ng antas ang lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil kay bagyong enteng.
Batay sa inilabas na advisory mula sa tanggapan ni governor jose gambito, kinansela pasok ng mga mag-aaral sa probado at pampublikong paaralan simula kaninang ala-una ng hapon at magbabalik ito sa araw ng mierkules, September 4.
Sinuspendi rin ang trabaho sa tanggapan ng gobierno kaninang alas tres ng hapon at babalik ito bukas, sept 3.
Samantala, ayon sa report ng pdrrmo-cagayan, suspendido rin ang pasok mula kindergarten hanggang grade 12 sa bayan ng alcala, gattaran, sta Teresita, penablanca, solana, iguig, sta praxedes, Pamplona, piat, Ballesteros, lasam, amulung, camalaniugan, sanchez mira, claveria, Gonzaga, sto. Nino, at sta ana.
Habang ang pasok sa lahat ng antas ay kanselado sa bayan ng tuao, enrile, calayan, rizal, abulug, baggao, lallo, Tuguegarao, allacapan at aparri.
Kinansela rin ang pasok sa gobierno sa bayan ng calayan.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng pamunuan ng magat dam ang mga naninirahan sa mga mababang lugar dahil sap ag-ulan na dala ng bagyong enteng
Ayon sa magat reservoir na hindi pa sila nagbubukas ng dam gates subalit ang pagbubukas o pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam and Reservoir ay possible depende sa patuloy na koordinasyon ng ahensiya sa PAGASA at sa actual rainfall na maitatala.
Payo nil ana manatiling maging alerto at subaybayan ang mga abiso ng Opisina sa sa kanilang Official Facebook Page Kaganapang Magat IIS at mga anunsyo sa radio at official facebook pages ng ating pamahalaan.