Sinuspendi ang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa lalawigan ng batanes bukas dahil kay bagyong julian.
Sinabi ni Mia Edsel Carbonel, iformation officer ng office of civil defense na inilagay na rin sa red alert status ang Cagayan valley dahil sa banta ng bagyong julian .
Ayon kay Carbonel na ipinag-utos sa mga local government units o lgu’s ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa mga residente na naninirahan sa mga low lying areas.
Ipinatupad din ang “No Sailing Policy” para maiwasan ang trahedya sa karagatan bunsod ng banta ng bagyo.
Dagdag pa ni Carbomel na muling nagbukas ng isang spillway gate ang pamunuan ng Magat Dam ngayong araw ng Linggo, ika-29 ng Setyembre, 2024.
Ayon sa abisong inilabas ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), may taas na isang metro ang tubig na inilalabas ng Magat Dam at may daming 164cms.
Aasahang posibleng maaapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ang ilang lugar sa probinsya ng Isabela partikular na ang Burgos, Naguillian, Gamu, Reina Mercedes, Cabatuan, Luna, Ramon, San Mateo, Aurora gayon din ang probinsya ng Ifugao.
Pinag-iingat ng ahensya ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog na mag-ingat sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.
Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa Isla ng Calayan upang dalhin sa ligtas na lugar ang kanilang mga bangkang pangisda.
Sa ngayon ay nakataas ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS no.4 sa Batanes at signal no.3 naman sa Babuyan Islands.
Umiiral naman ang signal number sa TCWS No. 2 sa Mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte habang signal number 1 naman sa Ilocos Sur, La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern and central portions ng Aurora.