TUGUEGARAO CITY- Idineklara ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na half day lamang ang pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng lebel, pampubliko at pribadong paaralan maging ang mga opisina ng gobyerno sa araw ng Huwebes, Oktubre 31, 2019.

Ito ay kasunod ng paggunita ng All SaintS Day at All Souls Day sa Nobyembre 1 at 2.

Batay sa executive order no. 37 na pirmado ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano , magsisimula ang suspension ng pasok sa oras na 12:00 ng tanghali.

Layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga estudyente maging ang mga empleyado at para mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko sa inaasahang pagdagsa ng mga byahero na uuwi sa kani-kanilang mga lugar para gunitain ang Undas.

-- ADVERTISEMENT --