Itinanggi ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 na may basbas nila ang pag-record ng video message ni Pastor Apollo Quiboloy na lumabas sa isang pagtitipon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Kaugnay nito, inatasan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 ang kampo ni Quiboloy na magpaliwanag kaugnay ng naturang video message na nai-post pa sa social media.
Ayon sa korte, labag sa mga panuntunan ng hukuman ang ginawa ng kampo ni Quiboloy.
Limang araw ang binigay ng korte sa kampo ni Quiboloy para magpaliwanag.
Una nang sinabi ni Atty. Israelito Torreon sa akusasyon ng grupong Karapatan na VIP treatment sa kanyang kliyente matapos ngang lumabas ang video message ni Quiboloy.
Nilinaw rin ni Torreon na may basbas ng Pasig RTC ang pag-record ni Quiboloy ng video message.
Nilinaw rin ni Torreon na hindi pa convicted ang kanyang kliyente at akusado pa lamang aniya ito.
Bilang akusado aniya, may civil at political rights pa rin aniya si Quiboloy kung saan protektado siya ng 1987 Constitution.