Inilunsad na rin ng Archdiocese of Tuguegarao ang PASTORAL COUNSELING Hotline Numbers na maaaring tawagan ng mga may mental health issues kaugnay sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Maituturing aniya itong community pantry ng simbahan para sa pagtulong sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong sa mental health na nabuo sa pamumuno ni Archbishop Ricardo Baccay at pakikipagtulungan ni Fr. Gary Agcaoili, Parish Priest ng St. Vincent Ferrer Parish ng Solana.
Sa pamamagitan ng hotline ay maalalayan ang isang taong nangangailangan ng makakausap at mapagsasabihan ng saloobin.
Bukas ang hotline upang makinig at magbigay payo sa lahat ng mga may pinagdadaanang krisis sa buhay at iba pang bagay na bumabagabag sa isang tao.
May mga eksperto sa ibat ibang larangan ng mental health tulad ng mga pari at duktor upang umasiste sa lahat ng mga tatawag.
Makakatiyak din ang publiko na libre ito at confidential ang tawag.
Sa lahat ng nangangailangan ng makakausap at mahihingan ng tulong kaugnay ng kanilang mental health crisis, maaaring tumawag sa PASTORAL COUNSELING Hotline Numbers: 0917-1405525, 0917-5784274 0917-5050445, at 0935-7354906