Kinumpirma ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO-1) na electrical overload o mataas na demand ng kuryente ang dahilan ng mga naranasang brown-out sa Barangay Tanza, Tuguegarao City, lalo na sa gabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Jeff Guzman, tagapagsalita ng CAGELCO 1 na hindi nakayanan ng capacity ng 50KVA transformer sa lugar ang amount ng kuryente na ginagamit ng mga residente.
Paliwanag ni Guzman na malaki ang demand ng kuryente lalo na sa mga malalaking business establishment sa barangay Tanza na malaki rin daw ang epekto nito sa loading ng kanilang transformer
Sa ngayon ay naglagay na ang CAGELCO ng karagdagang transformer sa lugar habang hinihintay ang karagdagan pang 60KVA transformer para sa upgrading.