Naniniwala ang missing sabungeros whistleblower na si Juilie ‘Dondon’ Patindongan na posibleng nakalabas na ng bansa si Atong Ang.

Ito’y sa gitna ng mga inisyung arrest warrants ng Laguna at Batangas Court laban kay Ang hinggil sa non-bailable na kidnapping with homicide case.

Sa isang panayam, sinabi ni Patidongan na sa dami ng konseksyon ni Ang, hindi malabong wala na ito sa Pilipinas bago pa mag-2026.

Aniya, international, at hindi lang lokal ang grupo nina Ang.

Kamakalawa, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na inaasikaso na nila ang pagi-issue ng hold departure order (HDO) laban kay Ang.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panig naman ng PNP-CIDG, sinabi nilang nag-request na sila sa INTERPOL na isalilalim si Ang sa red notice.