Namangha ang mga scientists sa kanilang nasaksihan habang nagsasagawa ng tagging sa marine life Australia.
Nakita nila ang isang tiger shark na nagsuka ng echidna, isang dome-shaped mammal na may maraming spines na karaniwan sa Australia.
Inobserbahan ng mga researchers mula sa James Cook University sa North Queensland ang nasabing hindi pangkaraniwan na pangyayari sa Orpheus Island.
Sinabi ni marine biologist Nicolas Lubitz, dating PhD student sa unibersidad at researcher sa Biopixel Oceans Foundation na nagulat sila sa kanilang nasaksihan.
Ayon sa kanya, patay na ang echidna na isinuka ng tiger shark subalit buo pa ito.
Sinabi ni Lubitz na pambihira na isinusuka ng tiger sharks ang kanilang pagkain, bagamat ginagawa nila ito kung sila ay stressed.
Ayon sa kanya, sa nasabing insidente, maaaring hindi naging komportable ang tiger shark na nasa kanyang lalamunan ang echidna kaya niya ito isinuka.
Hindi naman nasaktan ang shark at pinakawalan din sa dagat ng grupo ni Lubitz matapos na maglagay ng acoustic tracker.
Ang tiger sharks ay may gluttonous appetites at sila ay kilala na kumakain ng tao.
Kinakain din nito ang ibang sharks, mga isda, sea turtles at seabirds, maging mga basura tulad ng coal, mga lata, mga damit at mga buto
Matatagpuan ang tiger sharks sa warm oceans sa buong mundo.