Ikinaaalarma na ng Armed Forces of the Philippines ang patuloy na pattern ng pang-eespiya sa bansa, kasunod ng mga pag-aresto ng foreign nationals sa Zambales at Bohol na pinaghihinalaang may intelligence o military connections.

Sinabi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, spokesperson ng Philippine Navy for the West Philippine Sea, ang nakakulong sa Iba, Zambales na Mongolian national at graduating na piloto, ay nadikusbre na itinago na may koneksiyon siya People’s Liberation Army ng China, na makikita sa kanyang fighter jet license.

Isang Chinese national na kinilala na si “Guo” ay nahuli naman sa Panglao, Bohol, matapos na magpanggap na isang Pilipino gamit ang mga pekeng dokumento.

Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration (BI) na gumamit si Guo ng maraming alyas at mga dokumento mula sa mga pamahalaan ng bansa, tulad ng professional driver’s license, permit para makapagnegosyo sa Panglao sa pamamagitan ng Filipino nominees, sa kabila na makikita sa kanyang official records na siya ay isang Chinese citizen.

Nahuli si Guo noong Pebrero 17 at nasa kustodiya ng Bureau of Immigration.

-- ADVERTISEMENT --