Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na tuloy-tuloy ang monitoring sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunsod ng sunod- sunod na pananalasa ng mga bagyo sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay upang matingnan kung sumusunod ang mga establisimyento sa 60-day price freeze at kung pasok sa suggested retail price ang mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Trade and Industry Development Specialist Serafin Umoquit ng DTI- Cagayan, batay sa kanilang monitoring sa ibat ibang palengke ay pasok naman sa SRP at hindi naman nagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Saklaw ng price freeze ang mga pagkaing de-lata, instant noodles, bigas, mais, gatas, kape, kandila, sabon at iba pa.

Posible namang mapatawan ng multa at kulong ang mga negosyanteng hindi susunod sa price freeze sa pangunahing bilihin.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang gabay sa mga konsumer, sinabi ni Umoquit na nasa DTI- facebook page ang tamang presyo ng basic goods.