Nakuha ng Pavvurulan Afi Festival mula sa lungsod ng Tuguegarao ang second place sa ILOmination Philippine Light Festival competition dahil sa kanilang masigla at engaging performance sa Dinagyang Festival 2025 na may premyo na P200,000.

Grand champion sa nasabing event ang Bailes de Luces La Castellana, Negros Occidental na nakatanggap ng P500,000.

Samantala, ang Tribu Paghidaet ng La Paz National High School ang grand champion 2025 Dinagyang Festival tribes competition.

Ang kanilang performance na umikot sa Tree of Life, ay simbolo ng malalim na relasyon sa pagitan ng humanity at nature, kung saan ipinagdiriwang ang banal na ugnayan na nagdudugtong sa komunidad sa patuloy na cycle of life.

Nakatanggap ang nasabing grupo ng premyo na P1.2 million at tropeyo.

-- ADVERTISEMENT --

First runner-up naman ang Tribu Pan-ay ng Fort San Pedro National High School, ang kampeon nitong 2024 na may premyo na P700,000 at tropeyo, second runner-up ay ang Tribu Ilonganon ng Jalandoni Memorial National High School, na nakatanggap ng P500,000 at tropeyo, at third runner-up ang Tribu Salognon ng Jaro National High School na may premyo P300,000 at tropeyo.

Nakatanggap naman ng special awards ang mga sumusunod:

  • People’s Choice Award – Tribu Parianon nga naga Silak of Molo District (P10,000)
  • Best in Discipline – Tribu Pan-ay of Fort San Pedro National High School (P10,000)

Technical Awards

Best in Street Dance – Tribu Ilonganon (P10,000)

Best in Production Design – Tribu Pan-ay (P10,000)

Best in Costume Design and Headdress – Tribu Paghidaet (P10,000)

Best in Music – Tribu Pan-ay (P10,000)

Best in Choreography – Tribu Pan-ay (P10,000)

Best in Performance – Tribu Paghidaet (P10,000)

Sa Kasadyahan sa Kabanwahanan 2025, ang Tultugan Festival of Maasin, Iloilo ang grand champion, sa kanilang extraordinary performance at nakakuha ng maraming awards.

Ang kanilang panalo ay katumbas ng P1.2 million cash prize at tropeyo.

Narito naman ang mga nakatanggap ng Kasadyahan Special Awards (P10,000 each and trophy)

Best in Performance – Tultugan Festival of Maasin

Best in Choreography – Tultugan Festival of Maasin

Best in Production Design – Tultugan Festival of Maasin

Best in Music – Tultugan Festival of Maasin

Best in Discipline – Tribu Jalaud of Hirinugyaw – Suguidadonay Festival, Calinog

Best in Street Dancing – Tribu Jalaud of Hirinugyaw – Suguidadonay Festival, Calinog

Best in Costume – Tribu Jalaud of Hirinugyaw – Suguidadonay Festival, Calinog

People’s Choice Award: Kaing Festival of Leon

Kasadyahan Consolation Prizes (P200,000 each):

  • Banaag Festival of Anilao
  • Tawili Festival of San Rafael
  • Tinuom Festival of Cabatuan
  • Cry of Jelicuon Festival of New Lucena
  • Tangyan Festival of Igbaras
  • Haw-as Festival of Dumangas