
Hihilingin na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na pagkalooban siya ng emergency powers para bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng krisis sa Middle East.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, ang Department of Energy (DOE) ang magsusumite ng forml request sa Kongreso bilang kinatawan ng Pangulo dahil siya ay nasa New York para sa dalawang araw na working visit.
Ayon kay Castro, inaasahang isusumite ang kahilingan ngayong araw.
Una rito, sinabi ni Marcos na plano na gamitin ang kanyang emergency powers para bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo kung aabot sa $80 per barrel ang langis.
Ang panukalang pagbabawas sa excise tax ay pansamantala lamang ay kailangan ang pag-aproba ng Kongreso.
-- ADVERTISEMENT --










