Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang paggalang sa opinyon ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay ng kanyang kritisismo sa mga tumututol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na itinampok sa isang peace rally na isinagawa ng Iglesia ni Cristo.

Sa isang ambush interview sa Leyte, inilarawan ni Marcos si Enrile bilang isa sa mga pinakamahuhusay na eksperto sa batas sa bansa.

Sumang-ayon siya sa pahayag ni Enrile na ang pagpapalampas sa Konstitusyon upang protektahan ang isang tao o grupo mula sa impeachment ay maaaring magdulot ng masamang precedent.

Gayunpaman, binigyang-diin ng pangulo na hindi ito ang tamang panahon upang ituon ang pansin sa isyung ito.

Bagama’t mandato ng Kongreso at Senado ang magdesisyon ukol sa impeachment complaint laban kay Duterte, ipinaabot ni Marcos ang kanyang mga agam-agam na hindi ito magpapatuloy habang papalapit ang panahon ng kampanya.

-- ADVERTISEMENT --