Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na desisyon niya na hindi impluwensiyahan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit na ang nasabing usapin ay nasa kamay na ng Senado at House of Representatives.
Sinabi ito ni Marcos sa isang episode ng BBM Podcast, nang tanungin siya tungkol sa mga pananaw na may masasabi ang pangulo sa desisyon ng impeachment court kahit pa umiiral ang separation of powers sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan.
Ayon kay Marcos, mas pinipili niya na huwag makialam sa nasabing usapin.
Iginiit pa ni Marcos, na abala siya sa mga pag-aaral sa mga hakbang na maaaring ipatupad upang mapababa ang presyo ng bigas at pagpapabuti sa public transportation, at iba pang inisyatiba ng kanyang administrasyon.
Nanindigan siya na ang impeachment process ay nasa kamay ng legislative branch.