Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang major telecommunications companies na magbigay ng libreng communication services para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa gitna ng tensyon sa rehion.

Sinabi ni Marcos na pinakilos ng telecom providers ang Libreng Tawag Program, para matawagan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa Middle East ang kanilang mga pamilya at mga kamag-anak sa bansa.

Sakop ng programa ang mga manggagawang Pilipino sa Iran, Iraq, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, United Arab Emirates, at Saudi Arabia.

Ang Globe Telecom at prepaid brand TM ay magbibigay sa users ng 1 gigabyte ng mobile data, 15 minutong voice calls, at 15 SMS messages.

Mag-aalok naman ang PLDT at wireless unit Smart Communications ng unlimited calls bawat araw, na may maximum na oras na 30 minuto bawat tawag.

-- ADVERTISEMENT --