
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating senador at boxing champion Manny Pacquiao bilang bagong secretary at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission o NAPC, na may ranggong Cabinet secretary.
Nanumpa si Pacquiao sa tungkulin nitong Martes, Setyembre 8, bilang kapalit ni Lope Santos III. Ayon sa Malacañang, umaasa si Marcos na mapalalakas ni Pacquiao ang mga programa ng pamahalaan laban sa kahirapan at maisulong ang mga social reform.
Ibinahagi naman ni Pacquiao na ang sarili niyang karanasan sa kahirapan ang magsisilbing gabay sa kanyang bagong tungkulin. Layunin niyang matiyak na direktang mararamdaman ng mga mahihirap na pamilya at 14 basic sectors ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Bilang lead convenor ng NAPC, pangungunahan ni Pacquiao ang koordinasyon ng mga programa laban sa kahirapan at nakatakda ring magsagawa ng nationwide grassroots consultations kasama ang mga ahensya ng pamahalaan.
Si Pacquiao ay dating kinatawan ng Sarangani at nagsilbi ring senador mula 2016 hanggang 2022. Tumakbo rin siya sa presidential election noong 2022 laban kay Marcos.



