Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sakripisyo ng mga sundalo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Army.

Binigyang-diin ng Pangulo ang patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng Hukbong Katihan upang makasabay sa mga bagong banta sa seguridad, kabilang ang sa karagatan at digital na larangan.

Iginiit din niya ang tuloy-tuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasabay ng pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan sa mga komunidad.

Pinalalakas din ang ugnayan ng militar sa iba pang ahensya tulad ng pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) para sa mas maayos na depensa ng bansa.

Nagpapatuloy rin aniya ang mga programang gaya ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept at joint exercises upang mapataas ang kahandaan ng tropa.

-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ng Pangulo ang mga sundalo na panatilihin ang integridad, disiplina, at propesyonalismo sa kanilang paglilingkod.