Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatawag siya ng special session sa Senado para talakayin ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, kung ito ay hihilingin ng mga senador.

Una rito, sinabi ni Senate President Francis Escudero na natanggap ng Senado ang kopya ng articles of impeachment laban kay Duterte nang mag-adjourn na ang Kongreso bilang paghahanda sa eleksion sa Mayo.

Ayon sa kanya, kailangan na naka-sesyon ang Senado para mag-convene bilang impeachment court, subalit ang layunin ng ipapatawag na special session ng pangulo ay para lamang sa urgent na legislative measures.

Sinabi niya na kung may ipapatawag na special session ay kailangan nilang dumalo.

Si Marcos na nagpahayag ng pagtutol sa plano na patalsikin si Duterte, ay sinabing bilang Chief Executive, wala siyang papel sa impeachment ng kanyang dating kaalyado.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, tinalakay niya ang impeachment sa kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez, at ibang kongresista, subalit hindi umano ito gumaga, kaya kailangan na sundin ang proseso.

Sinabi niya na ang kanyang magiging papel ngayon ay interested oberser.