
Nababahala si Pangulong Marcos sa posibleng epekto sa ekonomiya ng bansa ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi naman anya patitinag ang Pangulo na gampanan ang kanyang presidential duties sa gitna ng impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.
Nauna rito, iginagalang ng Malakanyang ang naging pasya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng mga impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y makaraang ideklarang ‘sufficient in form’ ang dalawang impeachment complaint sa pag-arangkada ng pagdinig ng House Committee on Justice.










