Nag-utos umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga intelligence at law enforcement agencies na imbestigahan ang mga tinukoy ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na “nefarious” o mapanganib na aktibidad ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Ayon kay Teodoro, kailangang magsagawa ng evidence-based operations laban sa mga aktibidad na maaaring magbanta sa seguridad at interes ng bansa.

Kabilang sa kanyang binanggit ang mga isyu sa paligid ng dating Bamban Mayor Alice Guo, mga operasyon ng POGO at pagdami ng mga steel plant na umano’y gumagamit ng substandard na materyales.

Sinabi rin ni Teodoro na dapat imbestigahan hindi lamang ang mga indibidwal kundi ang kanilang mga posibleng koneksyon at support system.

Binigyang-diin naman niya na mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na lokal na industriya, partikular sa bakal, upang hindi maging labis na umaasa ang Pilipinas sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --