Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa pag-obserba ng kapiyestahan ng Immaculate Conception ngayong araw, Disyembre 8.

Sa mensahe ng Pangulo, kaniyang inihayag ang araw na ito ay may malalim na importansiya na kumikilala sa papel ni Inang Birheng Maria sa buhay ni Hesu Kristo at plano ng Diyos para sa pagtubos sa sangkatauhan.

Nagtataglay aniya ito ng malaking kahulugan sa mga Katoliko at nagbibigay ng pagkakataon para sa lahat ng pananampalataya na magnilay sa mga biyaya, kadalisayan at debosyon.

Hinimok din ng Pangulo ang mga mananampalatayang Katoliko at Pilipino na tularan si Inang Birheng Maria sa pamamagitan ng pagsisilbi sa iba nang may pagkahabag at pagpapakumbaba lalo na sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas na ating inaasam para sa mamamayang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --