
Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nagkasakit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil umano’y walang tunay na nag-aalaga sa kanya sa Malacañang.
Sa isang Facebook video, iginiit ng senador na mas inuuna ng mga taong nakapaligid sa Pangulo ang kani-kanilang agenda kaysa sa kanyang kalusugan.
Ang pahayag ay kasunod ng kumpirmasyon ng Malacañang na isinailalim sa medical observation ang Pangulo matapos makaranas ng discomfort, at kalauna’y nakabalik na sa Palasyo upang ipagpatuloy ang tungkulin.
Pinayuhan ni Imee ang kanyang kapatid na unahin ang kalusugan at umiwas sa mga taong aniya’y “feeling presidente.”










