Bumalik na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bansa ngayong umaga matapos ang kanyang maikli subalit produktibo na working visit sa United Arab Emirates.

Sinabi ni Marcos na maraming naselyuhan na kasunduan sa kanyang pagbisita sa UAE.

Ayon sa Pangulo, sa kanyang pulong kay UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, ipinarating niya ang pagpapahalaga sa pangangalaga at respeto ng Filipino community doon.

Bilang tugon, pinuri ng pangulo ng UAE ang kontribusyon ng Filipinos sa development ng UAE.

Pinasalamatan din ni Marcos si Sheikh Al Nahyan dahil sa naunawaan nito na kailangan niyang putulin ang kanyang pagbisita dahil kailangan niyang bumalik agad sa bansa at dadalo sa relief at reconstruction activities sa mga lugar na sinalanta ng mga sunod-sunod na bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinarating din niya ang pasasalamat sa UAE sa kanilang patuloy na humanitarian support sa mga biktima ng mga kalamidad.

Idinagdag pa ni Marcos na inimbitahan niya ang pangulo ng UAE na bumisita sa Pilipinas sa susunod na mga buwan upang maipagpatuloy nila ang kanilang dayalogo at pagpapalakas pa sa ilang areas of cooperation.