Nagpahayag ng pakikisimpatya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nabiktima ng wildfires sa Southern California.

Sinabi rin ng pangulo na hinihiling niya ang ang kaligtasan ng mga mamamayan ng mga apektadong komunidad at ang kanilang pagbangon mula sa kalamidad.

Matatandaang nagsimula ang wildfires sa Los Angeles noong Martes, Enero 7.

Sa kasalukuyan ay 16 katao na ang pumanaw at 12,000 istraktura ang nasira dahil sa wildfires.