Ngumiti at umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang matanong ng ilang mamamahayag sa mga akusasyon ni Vice President Sara Duterte na hindi niya alam ang maging presidente.

Ito ay nangyari sa pagdalo ni Marcos sa selebrasyon ng 123rd anniversary ng Philippine Coast Guard sa Port Area, Manila kahapon.

Matatandaan na sa press briefing noong Biyernes, sinabi ni Duterte na nasa “road to hell” ang bansa dahil hindi umano alam ni Marcos na ipatupad ang kanyang trabaho.

Sinabi pa niya na maraming beses siyang sinisi sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa dahil sa pinili niya na hindi tumakbo sa pagka-presidente noong 2022.

Idinagdag pa ni Duterte na mayroon siyang listahan ng impeachable offenses na posibleng magpatalsik kay Marcos, subalit tumanggi naman niya itong idetalye.

-- ADVERTISEMENT --