Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Layon ng Republic Act (RA) No. 12064, the Philippine Maritime Zones Act na ideklara ang maritime zones ng bansa batay sa standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ito rin ang magbibigay linaw sa geographical extent ng Philippine maritime domain at matukoy ang legal powers na maaaring ipatupad ng bansa sa mga nabaggit na lugar.

Samantala, ang RA 12065 or the Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, ay pagpapatibay sa Philippine Maritime Zones Act sa pagtiyak sa proteksion ng soberenya at maritime domain ng bansa.

Ito ang didisenyo sa mga ruta at mga lugar na magagamit ng foreign military vessels at foreign-registered aircraft para sa kanilang pagdaan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang keynote speech, ang paglagda sa dalawang batas ay pagpapakita sa commitment ng bansa na isang responsableng miyembro ng international community at advocacy na itaguyod ang rules-based international order.

Sinabi niya na ang dalawang batas ay makakatulong sa administrasyon sa pagprotekta sa maritime resources ng bansa, mapreserba ang mayamang biodiversity, at matiyak na mananatili na source of life at livelihood ng mamamayang Filipino ang ating katubigan.

Kasabay nito, nanawagan si Marcos sa lahat ng concerned government agencies at local governments na aralin ang rules at regulations laban sa dalawang bagong batas kasabay ng pagpapatupad ng nararapat na hakbang para sa epektibong implementasyon.