Nanindigan ang Palasyo na hindi nito pipigilan ang karapatan ng mga Pilipino na maglabas ng mga saloobin at galit nila sa mga issue ng katiwalian.

Ito’y ay sa gitna ng katatapos lamang na rally kontra kurapsyon ngayong araw, at pati na rin ang nakatakdang kilos-protestsa sa September 21.

Sa Malacañang press briefing, idiniin ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na nirerespeto ni Pangulong Bongbong Marcos ang freedom of expression.

Sa katunayan, suportado pa ng pangulo ang hinaing ng taumbayan dahil ito ay laban sa kurapsyon.

Ayun nga lang, umaasa raw silang hindi ito sasakyan ng ilang grupo na mayroong interes, at hindi maganda ang mga nais sa gobyerno, partikular na ang mga destabilizers.

-- ADVERTISEMENT --