Mas pinili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magbigay ng komento sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon niya ito sa West Philippine Sea.
Maigsi lang ang sinabi ni Marcos sa ambush interview pagkatapos ng kanyang pagdalo sa misa para sa kanyang yumaong ama ngayong All Saint’s Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nang hingan siya ng rekasiyon sa mga sinabi ni Duterte.
Tanging sinabi ni Marcos ay “I’d rather not.”
Matatandaan na noong October 8, sinabihan umano ni Duterte si Senator Aimee Marcos na kung hindi sila titigil sa pag-atake sa kanya ay huhukayin niya ang labi ng kanyang ama at itatapon niya ito sa WPS.
Kasabay nito, sinabi ni Marcos sasagutin niya sa ibang panahon ang tungkol sa kanilang relasyon ngayon ni Duterte.