Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang pagtatapos ng Siklab Laya Class of 2025 ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Nasa 266 na kadete ang nakatakdang magtapos na kung saan, 212 ang mga lalaking kadete, at nasa 58 ay mga babaeng kadete na pawang magtatapos sa kursong Bachelor of Science in Management, major in Security Studies.

Sa naturang bilang, 137 ang nagpasiyang maging bahagi ng Philippine Army, 71 sa Philippine Navy, at 54 ang nais sa Philippine Air Force (PAF).

Itinanghal namang class valedictorian si Cadet First Class Jessie Ticar na napag-alamang anak ng isang taxi driver.

Ayon kay Ticar, una siyang nag-aral sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Manila at kumuha ng civil engineering pero nagkaroon sila ng problemang pampinansiyal nang ma-ospital ang kaniyang ama.

-- ADVERTISEMENT --

Dito na aniya naisipang tumulong sa pamilya at pumasok na sa PMA.