Nanawagan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng courtesy resignations ng Cabinet secretaries, na may layunin na magpatupad ng “recaliberation” sa kanyang administrasyon kasunod ng midterm elections.
Sa isang press release, sinabi ni Marcos na panahon na para sa realignment ng gobyerno na aakma sa inaasahan ng mga mamamayan.
Ayon sa kanya, hindi ito “business as usual,” dahil nagsalita na ang mga mamamayan at inaasahan nila ang resulta at hindi pulitika.
Ang kahilingan ni Marcos na courtsey resignations ay magbibigay ng pagkakataon para sa evaluation ng performance ng bawat departamento at malalaman kung sino-sinu ang mananatili sa kanilang posisyon at magsisilbi sa babaguhing prayoridad ng administrasyon.
Iginiit ni Marcos na ito ay hindi tungkol sa personalities, kundi tungkol sa performance.
Una rito, sinabi ni Marcos na ang resulta ng halalan ay nagpapakita na pagod na at sawa na ang mga mamamayan sa pulitika at dismayado sila sa pamahalaan at panahon na para umaksyon at magpatupad ng mabilis na mga proyekto at mga programa.
Sa 12 bagong halal na Senador, anim ang inindorso ni Marcos sa ilalim ng Alyansa sa Bagong Pilipinas na sina Erwin Tulfo, Panfilo “Ping” Lacson, Vicente “Tito” Sotto III, Pia Cayetano, Camille Villar, at Lito Lapid.