Pinagkalooban ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng halagang P50-milyong pesos, mga food packs at tulong pinansyal ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Pepito sa Nueva Vizcaya.

Pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng Food Packs sa 2,000 na mga mamamayan ng bayan ng Bambang bilang relief assistance sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

Namahagi rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5,000.00 cash assistance sa 500 typhoon victims na nawasak ang kanilang mga bahay sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations ng ahensiya.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang pangulo kasama ang kanyang gabinete sa mga nasirang kalsada sa naturang bayan.

Ang nasabing halaga ng tulong ay ipinagkaloob ni PBBM ay tinanggap ni NV Governor Jose Gambito para sa mga Novo Vizcayanong lubhang nasalanta ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa pangulo, magtutulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng kalamidad.