Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang gift giving activities para sa mga biktima ng sexual abuse at sa mga isinailalim sa pangangalaga ng residential caring institutions.
Binisita ni Marcos ang Marillac Hills-National Training School for Girls, isang center na nagkakaloob ng residential care at rehabilitation sa mga menor de edad na mga babae na mga biktima ng sexual abuse at human trafficking.
Pumunta rin si Marcos sa residential care centers o institutions na nasa ilalim ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Ang mga ito ay ang Founding Home, Girl’s Home, Boy’s Home, Lualhati ng Maynila sa ilalim ng Manila Boy’s Town Complex (MBTC) at Manila Youth Reception and Action Center at RAC-KAMADA.