Iniulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang status ng programang pabahay ng kanyang administrasyon sa isinagawang sectoral meeting kaninang umaga sa Malacanang.

Si Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ang nagprisinta ng report sa Punong Ehekutibo.

Laman ng report ng kalihim ang update hinggil sa agreement ng pambansang pabahay ng administrasyon na kung saan, target nitong makapagpatayo ng anim na milyong bahay hanggang 2028.

Nasa 30 milyong mga Pilipino ang inaasahang mabebenipisyuhan sa pabahay program ng administrasyon sa ilalim ng pambansang pabahay para sa Pilipino.

Bukod kay Acuzar, kasama ring nagprisinta sa sectoral meeting si NEDA Chief Arsenio Balisacan.

-- ADVERTISEMENT --

Present din sa pulong Sina Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs Frederick Go, Executive secretary Lucas Bersamin, SAP Anton Lagdameo at DBM secretary Amenah Pangandaman.