Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na tutukan ang kahalagahan ng meteorology assessment sa gitna ng inaasahang pagdating pa ng sama ng panahon.

Ayon sa pangulo, importante ang weather forecast dahil ito a ang magsisilbing gabay ng pamahalaan sa kanilang magiging aksyon.

Ikinababahala raw niya ang posibilidad na maging isang bagyo ang binabantayang weather system kaya dapat maging handa sa mabilis na pag-responde.

Kung papasok man ang bagong bagyo sa bansa, gagawin din aniya ang mga hakbang na ipinatupad sa pagtugon sa Bagyong Enteng, tulad ng rescue operations at ang clearing operations upang mapuntahan ang isolated areas.

Inatasan din ang mga ahensya na maghanda sa posibleng pagbaha partikular sa mga lugar na malapit sa Ipo, Magat, at La Mesa dam.

-- ADVERTISEMENT --