Biyahe patungong United Arab Emirates si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa one-day working visit, sa araw ng Martes, November 26.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na makapupulong ni Pangulong Marcos si UAE President, His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi, Martes ng tanghali.
Umaasa naman ang Malakanyang na malalagdaan ang ilang kasunduan sa panahon ng pagbisita ng Pangulo.
Sinabi pa ng Malakanyang na ipararating ni Pangulong Marcos sa UAE government ang pasasalamat ng bansa sa paggamit sa talento ng mga filipino.
Samantala, ang hiling naman ni Pangulong Marcos sa Filipino community sa UAE ay pang-unawa dahil kaagad siyang babalik ng Maynila para pagtuunan ang pangangasiwa sa ‘relief and reconstruction activities’ sa mga lugar na sinalanta ng anim na unos at bagyo(Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito).