Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa muling pagkabuhay ni Hesukristo, sama-sama rin daw babangon ang bawat Pilipino.
Inilarawan ng pangulo sa isang social media post ngayong Linggo ng Pagkabuhay, na kilala rin bilang Pasko ng Pagkabuhay, bilang paalala ng pananaig ng “liwanag” at “pag-asa” para sa bawat isa.
Ang Linggo ng Pagkabuhay ang itinuturing ng mga mananampalatayang Kristiyano bilang isa sa mga pinakamasayang araw dahil dito ginugunita ang muling pagkabuhay at pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng tatlong araw mula nang magpakasakit Siya para sa sanlibutan.