Sinabihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tropa ng pamahalaan na huwag magpalinlang sa ingay ngayon sa pulitiko, at pinaalalahanan ang mga ito na manatili lamang sa kanilang misyon at mandato.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Southern Luzon Command’s (Solcom) Camp General Guillermo Nakar sa Lucena City kahapon.

Sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang mga sundalo na huwag paaapekto sa mga nangyayari ngayon, sa halip ay manatiling nakatutok sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Ayon kay Marcos, ang kanyang totoong tungkulin ang kanyang inaalala sa tuwing may ingay sa pulitika.