Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na pagsusulong ng pamahalaan ng pantay na proteksyon, oportunidad at paggalang para sa lahat ng Pilipino, kabilang ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa kanyang mensahe para sa Pride Month, sinabi ng Pangulo na dapat maisabuhay sa mga polisiya, institusyon at mamamayan ang tunay na inklusyon.

Binigyang-diin din niya ang mahalagang ambag ng LGBTQIA+ community sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng kanilang talento, serbisyo at pamumuno.

Ayon kay Pangulong Marcos, walang Pilipino ang dapat makaramdam na hindi sila kabilang o mapilitang itago ang kanilang pagkatao upang matanggap ng lipunan.

Nanawagan din siya sa publiko na sama-samang isulong ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay at walang naiiwan dahil sa kanilang pagkakakilanlan o minamahal.

-- ADVERTISEMENT --