Dumistansya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pahayag ng kaniyang kapatid na si Sen. Imee Marcos na natuto na ito sa kasaysayan.

Sa social media post kasi ni Sen. Imee, sinabi nitong hindi siya naghintay ng 39 years para magkamali muli.

Pahayag ito ng senadora matapos makipagkita sa kay Atty. Nicholas Kaufman, ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, no comment si Pangulong Marcos sa pahayag ng kaniyang kapatid.

Gayunpaman, natutuwa aniya silang umaamin si Sen. Imee sa kanyang pagkakamali.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, bumwelta naman si Castro sa pahayag ni Kaufman na ang tunay na prosecutor sa kaso ni Duterte ay nasa Pilipinas at nakaupo sa Palasyo.

Giit ni Castro, parang si Atty. Harry Roque lang ang nagsasalita at dapat aniyang tutukan na lang nito ang kanyang trabaho imbes na makisali sa tsismisan.