Nagbigay ng listahan ang maimpluwensiya na Philippine Business for Education (PBEd) ng kanilang nominees para sa bagong kalihim ng Department of Education kapalit nang nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa listahan ang dalawang mambabatas, nakaupong miyembro ng gabinete at isang magaling na dating opisyal ng pamahalaan.

Sa sulat ni PBEd president Chito Salazar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasa listahan ay sina Senator Sonny Angara, Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian and economist and public finance expert Milwida “Nene” Guevara of Synergeia Foundation.

Sinabi ni Salazar na ang “exceptional” leaders na ito ay may mawalak na kaalaman sa education sector.

Kasabay nito, iginiit ni Salazar na dapat na magtalaga si Pangulong Marcos ng may karanasa, qualified, competent at maaasahan na kalihim at hindi dahil sa political considerations.

-- ADVERTISEMENT --

Una sa kanilang listahan si Angara na kanilang pinuri sa paghahain niya ng Senate joint resolution para sa pagtatatag ng Second Congressional Commission on Education 2 (Edcom 2).

Si Gatchalian naman ay naglalatag ng mga naiibang hakbang para tugunan ang learning crisis sa pamamagitan ng community development at local empowerment.

Si Benitez, dating presidente ng Philippine Women’s University, ay dating miyembro ng Edcom commission at-co chair ng
early childhood care and development and basic education standing committee.

Sinabi ng PBEd na ang karanasan ni Guevara na matagal na finance undersecretary noong 1990s ay makakatulong para sa paglalatag ng kakaibang perspective sa education reform.