Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “unsung heroes” ng Pilipinas kabilang na ang mga guro, magsasaka at healthcare workers kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Lunes, Agosto 26 ng bansa ng National Heroes’ Day.
Kinilala ni Marcos ang mga kontribusyon ng mga nasabing manggagawa sa paglikha at pagsusulong ng ating bansa tungo sa kaunralan
Sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati na kasabay ng pagkilala sa ating mga bayani ay pagpapatibay sa ating sariling values,virtues, at ideals.
Inalala din ni Marcos ang katapangan ng mga bayani ng bansa na ipinaglaban ang ating kalayaan.
Pinangunahan ni Marcos ang selebrasyon ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
-- ADVERTISEMENT --